BORACAY
Ang Boracay ay isang tropikal na pulo na tinatayang matatagpuan 315 km (200 milya) sa timog ng Maynila at 2 km sa hilaga-kanlurang dulo ng pulo ng Panay sa Silangang Visayas sa Pilipinas. Isa ito sa mga sikat na destinasyon ng mga turista sa bansa.binubuo ang pulo ng mga barangay ng Manoc-Manoc, Balabag, at Yapak (3 sa 17 barangay na binubuo ng bayan ng Malay), at nasa ilalim ng pamamahala ng Philippine Tourism Authority (Autoridad ng Turismo sa Pilipinas) na may ugnayan sa Pamahalaang Panlalawigan ngAklan.Ang Boracay ay ang pinakamatanyag na baybayin na dinarayo ng mga turista.Ang pinakamagandang bahagi sa isla ay ang apat na kilometrong 'White Beach' na ito ang pinakamagandang baybayin sa buong mundo.Ang nagpapaligid nitong tubig ay mababaw at ang buhangin ay mas mapino at maliwanag sa ibat-ibang baybayin sa kapuluan.
Ang Boracay ay Nasa 10.32 sq. kilometro, at ito ay nasa lokasyon ng island- group. At kilala sa region 6 ng pilipinas. 2 km hilagang kanluran ng isla ng panay at may 315 na kilometro sa timog na kung saan ang isla ng capital city ng manila.
TumugonBurahinBago pa man madiskubre ang isla ng boracay ng mga taga labas ay tahanan na ito ng mga taong tinatawag na ati, kung saan taga timog kanlurang asia, mga itnikong grupo na kung saan ang mga espanyol ang unang ngbansag na tawaging mga negrito ang mga ati o ita.
Sa salita ng ati nanggaling ang pangalang borac, na ang ibig sabihin ay cotton na nahahalin tulad sa maputing buhangin, dahil sa ito ay maputi. Ang ilan nagsasabi naman na ang salitang borac ay isang bubbles at ang bocay ay maputi, ang sabi nga ng mga matatandang ati sila ay naaaliw sa maganda at maputing buhangin at tubig na parang bubbles. Ang mga lokal naman ay tinatawag na boracaynons ang mga nakatira sa boracay.